Land Bank of the Philippines, pormal nang inilunsad ang Landbankpay

Pormal nang inilunsad ng Land Bank of the Philippines sa kanilang Facebook page ang all in one mobile wallet o Landbankpay.

Isa itong libreng applications para magkaroon ng sariling mobile wallet na makatutulong upang mas mabilis at hassle free na ang banking transactions ng mga tumatangkilik sa Landbank.

Sa isang click, tap o scan lang, maari nang makapagbayad ng bills, makabili ng load para sa mobile phone at sa RFIDs.


Magagamit din ito sa online purchase at sa pag-transfer ng pera.

May dalawang M-wallet ang Landbank.

Ang small wallet at full wallet.

Sa loob lang ng limang minuto, maari nang makapagbukas ng small wallet.

I-key-in lang ang full name, cellphone number, araw ng kapanganakan o birthday.

Bawat buwan ay mayroong maximum transaction at balance na P20,000 ang small wallet.

Para hindi mag-inactive ang small wallet, maaring i-upgrade ang small wallet patungong full wallet makalipas ang anim na buwan na maaring maglaman ng P100,000 kada buwan.

Para makapag-apply sa gull;
mag-upload ng selfie,
mag-upload ng valid ID,
at mag-fill up ng personal information.

Ayon kay Randolph Montesa, Senior Vice President Digital banking Sector ng Landbank, ang inilunsad na all in one mobile wallet ay may layuning gawing accessible, mabisa at kumbinyente ang transaksyon sa isang reliable financial services diverse at nagbabagong banking service.

Facebook Comments