Land conversion, pinapatigil muna ng isang kongresista para matutukan ang sektor ng agrikultura

Sa harap na patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay iginiit ni Manila Representative Bienvenido Abante sa gobyerno na itigil na muna ang land conversion.

Paliwanag ni Abante, ito ay para pagtuunan ng pansin ang sektor ng agrikultura lalo na ang pagtulong sa mga magsasaka na mapag-ibayo ang pagtatanim para makamit ang food security.

Kasabay nito ay nanawagan din si Abante na paigtingin ang operasyon laban sa smuggling ng mga basic commodities at papanagutin ang mga sangkot dito.


Facebook Comments