Halos isang milyon na ang nagparehistro sa Land Transportation Management System (LTMS) ng Land Transportation Office (LTO) gamit ang portal.lto.gov.ph.
Sa ilalim ng Land Transportation Management System at Driver Education Program, gagamit ng online management system para sa pag-monitor ng violations at penalties kaugnay sa pagkuha ng driver’s license.
Sa isang seremonya na isinagawa kanina sa LTO headquarters sa Q.C. Diliman, pang one million client si Samantha Marie Lagrada na residente ng Laguna.
Si Lagrada ay bagong graduate ng mechatronics engineering at nagtatrabaho sa technical services sector. Siya ay nag-apply ng kaniyang non-professional driver’s license.
Sinabi ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na simbolo ng 5-year IT modernization program ng LTO ang LTMS portal para sa hangarin nitong gawing mas mabilis at maginhawa para sa mga kilyene ng LTO ang online service.