LANDBANK at Navotas City, nagsanib pwersa para sa online business permits payment

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang electronic Business Permits and Licensing System (e-BPLS) sa pakikipagtulungan sa Land Bank of the Philippines (LANDBANK).

Layon nitong mapabilis at mapadali ang pagproseso ng mga business owners sa lungsod ng kanilang permits at lisensya sa pamamagitan ng Link.BizPortal.

Sa ilalim ng Link.BizPortal, maaaring makita ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang mga negosyanteng magbabayad online at mamonitor ang koleksyon kada araw sa pamamagitan ng real-time basis.


Ayon kay LANDBANK President and CEO Cecilia Borromeo, layon ng Link.BizPortal na matulungan ang mga Local Government Unit (LGU) para sa ligtas at ma-secure ang online payment sa kanilang nasasakupan.

Tiniyak din nito na patuloy silang makikipagtulungan sa mga lokal na pamahlaaan para sa maaayos na financial digitalization sa ilalim ng new normal.

Facebook Comments