Thursday, January 29, 2026

LANDBANK, mas pinalawak ang serbisyong pinansiyal sa pagtatapos ng 2025

Pinangunahan ng LANDBANK ang pagbubukas ng bagong phygital branch sa Bayan ng Initao, na nagpapalawak sa abot ng Bangko at nagpapahusay ng access sa mahahalagang serbisyong pinansyal sa buong Misamis Oriental.

Matagumpay na isinara ng LANDBANK ang 2025 sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang bagong Corporate Center, limang branches at branch-lites sa iba’t ibang panig ng bansa, na magdadala ng mas mabilis at mas malapit na serbisyong pinansyal sa mga Pilipino.

Bilang bahagi ng layunin nitong palawakin ang kanilang mga serbisyo, nagbukas ang Bangko nitong Disyembre ng mga bagong pasilidad sa mga pangunahing lugar gaya ng Initao Branch sa Misamis Oriental noong December 12; Tanjay Branch-lite sa Negros Oriental noong December 15; Glan Branch sa Sarangani noong December 19; at sa Bayombong Branch sa Nueva Vizcaya at Pagudpud Branch-lite naman sa Ilocos Norte noong December 22.

Bukod dito, pinasinayaan din ng LANDBANK ang kanilang Isabela Corporate Center, na lalong magpapatibay sa kanilang serbisyo sa Northern Luzon.

“By expanding our touchpoints, LANDBANK continues to ensure that financial services remain accessible, inclusive, and responsive to the evolving needs of our clients—especially in the countryside. These new facilities reflect our sustained commitment to empower local economies and support national development,” ani LANDBANK President and CEO Lynette V. Ortiz.

Mas pinalawak at maaasahang serbisyo

Sa pamamagitan ng mga bagong pasilidad na ito, inaasahang mas iigting ang network ng LANDBANK sa buong bansa upang bigyang serbisyo ang mas maraming pang mga magsasaka, mangingisda, micro, small, and medium enterprises (MSMEs), manggagawa, at lokal na pamahalaan.

Sa tulong ng mas pinalawak na network, mas mapapadali rin ng LANDBANK ang pag suporta sa mga programa ng pamahalaan tulad ng social protection payouts, salary loans ng mga empleyado, at pautang para sa mga priority sectors — para sa mas inklusibong paglago at pag-unlad sa mga lalawigan.

Ang full-service branches ng LANDBANK ay nagbibiigay ng kumpletong serbisyo para sa indibidwal, negosyo, magsasaka, at mangingisda, habang ang branch-lites naman ay nakatuon sa pangunahing serbisyo gaya ng deposito at pamamahagi ng tulong at serbisyo-publiko ng gobyerno.

Samantala, ang Corporate Center ay isang one-stop shop para sa iba’t ibang serbisyong pinansyal at sumusuporta sa operasyon at serbisyo sa isang rehiyon.

Dahil dito, ang LANDBANK ay mayroon na ngayong 615 branches at branch-lites sa buong bansa, 3,268 LANDBANK ATMs, 3,882 ATMs sa partner na 7-Eleven convenience stores, 236 Cash Deposit Machines o CDMs, at 1,001 LANDBANKasama Partners—na handang maghatid ng mabilis, maayos, at inklusibong serbisyong pinansyal para sa lahat ng Pilipino.

Sa pag pasok ng 2026, inaasahang mas lalawak pa ang network LANDBANK sa buong bansa upang higit pang isulong ang inklusibong serbisyong pinansyal. Nakaplanong magbukas ang Bangko ng 15 bagong branches at branch-lites upang mas mailapit ang serbisyo sa mga komunidad na may limitadong akses sa bangko.

TUNGKOL SA LANDBANK

Ang LANDBANK ang pinakamalaking development financial institution sa bansa na nagsusulong ng financial inclusion, digital transformation, at pangmatagalang pambansang kaunlaran. Ito ay may mga sangay sa lahat ng 82 lalawigan sa bansa, upang tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino para sa serbisyong pinansyal—mula sa kanayunan hanggang sa iba’t ibang sektor ng Pilipinas.

Facebook Comments