LANDBANK, nagbigay ng P2.1 bilyon na pautang para sa Jeepney Modernization sa 2021

Aprubado na ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ang mga pautang na nagkakahalaga ng P2.11 bilyon mula Enero hanggang Disyembre 2021 para tulungan ang 78 public transport operators.

Ito ay para makabili ng 810 brand-new at mga modernong Public Utility Jeepney (PUJs).

Ayon kay LANDBANK President and CEO Cecilia C. Borromeo, ang mga naturang pautang ay inaprubahan sa ilalim ng LANDBANK SPEED-PUV (Special Package for Environment-Friendly and Efficiently-Driven Public Utility Vehicles) Loan Program, na 177% na mas mataas kaysa sa P1.19 bilyon sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Ang mga karapat-dapat na benepisyaryo para sa SPEED PUV Program ay maaaring umutang ng hanggang 95% ng kabuuang halaga ng PUJ na may 6% interes bawat taon.

Habang, babayaran naman ito batay sa cash flow pero hindi lalampas sa maximum na pitong taon.

Ang mga interesadong umutang ay maaaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na LANDBANK Lending Center o Branch sa buong bansa o maaari rin tumawag sa customer service hotline ng LANDBANK sa (02) 8-405-7000 o sa PLDT Domestic Toll Free 1-800-10-405-7000.

Facebook Comments