Landbank, nagkaloob ng isang taong palugit para sa pagbabayad ng amortisasyon sa lupa ng mga magsasaka

Welcome sa Department of Agrarian Reform ang inisyatibo ng Land Bank of the Philippines na isang taong pagpapaliban sa pagbabayad ng amortisasyon sa lupa ng mga Agrarian Reform Beneficiaries.

Ito’y upang makabangon ang ARBs sa krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, ang aksyon ay alinsunod sa mandato ng Bayanihan Heal As One Act o ang pagpapatupad ng Social Amelioration Measures sa ilalim ng National Health Emergency.


Inaprubahan din ng LBP Board ang 30-araw na palugit para sa mga utang na ang takdang oras ng pagbabayad ay tumama sa panahon ng ECQ.

Ibig sabihin, ang mga may utang na indibidwal, pamilya, maliliit na grupong may negosyo at iba pang grupo ng mga mangungutang ay hindi na papatawan ng mga dagdag na interes, multa, bayad at iba pang singil simula sa 30-araw na palugit at sa mga susunod pang araw ng bayarin.

Facebook Comments