Umabot na sa 583.35 milyong pisong loan ang naipalabas na ng Land Bank of the Philippines (Landbank) para sa mga maliliit na magsasaka at benepisyaryo ng agrarian reform.
Ayon kay Landbank President and CEO Cecilia Borromeo, ito ay sa pakikipagtulungan sa Department of Agrarian Reform (DAR) bilang pagsuporta sa Agrarian Reform Beneficiaries and Small Farm Holder (ARBs) at mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, Aabot naman sa ₱12.05 milyon ang naipalabas ng Landbank sa pamamagitan ng Expanded Assistance to Restore and Install Sustainable Enterprises for Agrarian Reform Beneficiaries and Small Farm Holders (E-ARISE-ARBs) loan program.
Habang nasa $571.3 milyon ang naipalabas ng Landbank, DAR, at Credit Assistance Program for Program Beneficiaries Development (CAP-PBD) hanggang nitong Hunyo 2020 kung saan nabenepisyuhan ang aabot sa 6,854 miyembro nito.
Para sa iba pang katanungan, magtungo lang sa pinakamalapit na Landbank lending center o branch nationwide, o tumawag sa customer service hotline na (02) 8-405-7000.