Nakipag-sanib pwersa ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) sa Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) upang matulungan ang mga kababayang nangangailangan sa probinsya ng Quezon.
Sa inilabas na Memorandum of Understanding (MOU), layon nitong pababain ang mga kababayan nating nagugutom, tiyaking maayos ang food and nutrition security at bawasan ang kahirapan sa urban at rural na komunidad kabilang sa mga nasa marginalized sector.
Sa pamamagitan ng Land Bank Quezon Lending Center, nakipag-ugnayan ang Land Bank sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon at iba pang ahensya tulad ng Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Education (DepEd), at National Irrigation Administration (NIA) para sa programa.
Sa ilalim ng EPAHP, layon nitong magsagawa ng livelihood at food security programs upang mapaganda ang buhay ng mga kababayang nasa laylayan.