Landbank, namahagi ng aabot sa 11.93 bilyong pisong loan sa mga magsasaka sa bansa

Namahagi ng aabot sa 11.93 bilyong pisong loan ang Land Bank of the Philippines (Landbank) para sa mga high-value crops farmers bilang suporta sa sektor ng agrikultura ng bansa sa ilalim ng Sulong Saka Program o High-Value Crops Financing.

Nabatid na 3.45 bilyong piso dito ay mapupunta sa produksyon ng oil palm, saging at mga uri ng prutas na susundan ng 1.88 bilyong piso, 1.35 bilyong piso sa susunod na loan.

Tinatayang aabot naman sa 992 borrowers mula sa 72 probinsya sa buong bansa ang kumuha ng programa kung saan 421 dito ay Small Farmers and Fishers (SFFs), 302 ay cooperatives, 183 ay Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), at nagmula sa iba pang maliliit na grupo ang 86 na natitira.


Sinimulan ang Landbank Sulong Saka Program nitong December 2019 na naglalayon ding mapaunlad ang produksyon ng saging, cacao, cassava, kape, oil palm, goma, gulay at iba pa.

Para sa mga interesado sa programa, magtungo lamang sa pinakamalapit na Landbank Lending Center or Branch nationwide o tumawag sa (02) 8-405-7000.

Facebook Comments