LANDBANK, NILINAW NA HINDI MAKIKIBAHAGI SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND KASABAY NG PAGLULUNSAD NG ONLINE SERVICES SA BAYAN NG MALASIQUI

Nilinaw ngayon ng Landbank of the Philippines ang agam-agam na makikibahagi ang naturang bangko sa mainit na usapin ngayong Maharlika Investment Fund.
Natalakay ang MIF matapos ang isinagawang paglulunsad ng lokal na pamahalaan ng Malasiqui sa mga Online Services nito kung saan ipinaliwanag ni Assistant Vice President at Digital Product Marketing Department 1 Head ng LBP na si Emelyn Justiniano, na huwag mangamba o mag-alala ang mga depositor ng naturang bangko dahil hindi daw aniya kailanman makikibahagi ang bangko sa mainit na usapin ngayong Maharlika Investment Fund.
Aniya hindi kailanman gagamitin ng bangko ang mga perang naka-deposito sa kanila para ilagay at pakinabangan sa MIF at kaniya ring sinabi na ligtas ang kanilang mga pera.

Ibinahagi pa ng opisyal na mayroon aniyang tinatawag na retained earnings o pondo ang bangko mula sa tubo ng bangko sa lahat ng mga operasyon nito na maaaring ilagay o ilagak sa MIF para magkaroon ng paglago ang perang ipapasok.
Nilinaw din ng opisyal na hindi kailanman malulugi o babagsak ang LBP kung mamumuhunan sa MIF.
Sinabi din niya na ang LBP ang madalas na nagiging partner ng gobyerno at ang pinakamalaking Government Financial Institution.
Nakiusap naman ang opisyal sa kanilang mga kliyente na huwag basta-basta maniniwala sa mga hindi totoong balita o sabi-sabi lang ukol sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments