Landbank pay, malapit nang magamit pambayad sa pamasahe

Inanunsyo ng Landbank na sa darating na buwan ay magagamit na rin ang bagong lunsad na Landbank pay o ang all in one mobile wallet sa pagbabayad ng pamasahe.

Ayon sa Landbank, inihahanda na nila ang proseso para maisama ang automatic fare collection system sa Landbank pay kung saan magagamit ito sa mga piling public vehicles.

Sa ngayon, ang Landbank pay ay maaring gamitin para makapagbayad ng bills, makabili ng load para sa mobile phone at sa RFIDs.


Magagamit din ito sa online purchase at sa pag-transfer ng pera.

Layon nito na gawing mas mabilis at hassle free na ang banking transactions ng mga tumatangkilik sa Landbank.

Sa ilalim ng Landbank pay, may dalawang M wallet, ang small wallet at full wallet.

Bawat buwan ay mayroong maximum transaction at balance na 20 thousand ang small wallet.

At para di mag-inactive ang small wallet, maaring i-upgrade ang small wallet patungong full wallet makalipas ng anim na buwan na maaring maglaman ng ₱100 thousand kada buwan.

Facebook Comments