Landbank Satellite Operations Office sa LTO sa East Avenue, operational na ngayong umaga para sa Social Amelioration Fund ng mga driver beneficiaries

Simula kaninang 8:30 am, namimigay na ng cash assistance ang Landbank Satellite Operations Office sa Land Transportation Office (LTO) sa East Avenue para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Bayanihan to Heal as One Act.

Sa kasalukuyan, mahigpit na ipinatutupad dito ang social distancing measures upang makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Paalala ng Landbank sa mga driver beneficiaries, iwasang magtungo sa kahit saang Landbank branch kung ang kanilang pangalan ay wala pa sa listahan na makikita sa: https://tinyurl.com/SAPforDRIVERS.


Ang cash assistance ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments