Landlord, nilibre na ang renta sa buwan ng Abril dahil sa COVID-19

Isang may paupahan sa Maine, US, ang nagpasyang huwag munang maningil ng renta para sa buwan ng Abril dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Inanunsyo ito ng landlord na si Nathan Nichols sa kanyang Facebook post, kasabay ang panawagan sa ibang may paupahan na maging maunawain.

“COVID19 is going to cause serious financial hardship for service and hourly workers around the country. I own a two unit in South Portland and all of my tenants are in this category,” saad niya.


Bukod sa pagbanggit sa banta ng COVID-19 pandemic, kinilala rin ni Nichols ang pribilehiyo niyang makapagmay-ari ng lupa.

“Because I have the good fortune and of being able to afford it and the privilege of being in the owner class, I just let them know I would not be collecting rent in April,” aniya.

Kaya panawagan ng landlord, “I ask any other landlords out there to take a serious look at your own situation and consider giving your tenants some rent relief as well.”

Dahil suspendido ang paniningil sa isang buwan, pansamantalang masasakripisyo ang plano niyang palitan ang balkonahe sa kanyang mga unit, ayon sa ulat ng News Center Maine.

“All I really did was to add some time to when the front porch gets replaced in exchange for some much needed relief now,” paliwanag niya.

Sa panayam ng parehong ahensya, muli siyang humiling ng pag-unawa mula sa iba ring landlord at nagmungkahing ibalik ang ilang bahagi ng perang ibinayad ng tenants ngayong panahon ng krisis.

Facebook Comments