Landslide at pag-apaw ng ilog, naitala sa Benguet

Nagkaroon ng malawakang landslide sa Sitio Acupan, Barangay Virac, Benguet matapos ang walang tigil na pag-ulan na nagsimula pa noong nakaraang buwan.

Dahil sa masamang panahon, umapaw rin ang ilog na nagdulot ng malaking pinsala sa isang hanging bridge at banta sa mga kabahayan.

Base sa isang viral video makikitang gumuho ang mga bato at putik mula sa bundok.

Ayon kay Lincoln Ponasi, Officer I ng Itogon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), patuloy ang monitoring at validation ng mga awtoridad sa lugar habang nananatiling peligroso ang sitwasyon.

Nasa 16 na pamilya na ang nailikas, at inaasahang madadagdagan pa ang bilang habang hindi pa humuhupa ang ulan.

Facebook Comments