LANDSLIDE | Bangkay ng mag-asawang natabunan ng lupa sa Romblon dulot ng bagyong Urduja, narekober na

Manila, Philippines – Matapos ang 2 araw na retrieval operation narekober na ang bangkay ng magasawang natabunan ng lupa sa Romblon matapos magka-landslide dulot ng bagyong Urduja.

Ang mag-asawa ay kinilalang sina Masuline Romero 58 anyos at Matilde Romero 62 anyos residente ng Sitio Parao, Brgy. Mabini, San Fernando, Romblon.

Ayon kay PNP MIMAROPA Spokesperson Supt. Imelda Tolentino dahil sa patuloy na search and retrieval operation narekober kamakalawa ng gabi ang bangkay ng mag-asawa.


Matatandaang noong December 16, 2017 ng maganap ang pagguho ng lupa sa lugar at natabunan ang bahay ng mag-asawa.

Sa ngayon sinabi pa ni Tolentino hindi pa rin madaanan ang National Road sa Brgy. Mabini papunta ng San Fernando, Romblon dahil sa landslide dulot ng bagyong Urduja.

Facebook Comments