Landslide incident sa Maco, Davao de Oro, pinaiimbestigahan sa Senado

Pinapaimbestigahan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang landslide incident sa Maco, Davao de Oro na ikinasawi ng halos 100 katao.

Sa inihaing Senate Resolution 930 ni Legarda ay inaatasan ang kaukulang komite na imbestigahan ang nangyaring landslide sa Davao de Oro noong February 6 bunsod ng walang tigil na pagulan at pagbaha sa lugar.

Nakasaad sa resolusyon na ang landslide site ay una nang idineklarang “no build zone” ng lokal na pamahalaan kung saan batay sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) -Region 11 ang lupa doon ay mahina at ito ay matatagpuan sa Philippine fault.


Tinukoy pa sa resolusyon na hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagka-landslide sa lugar kundi ito ay nangyari rin noong 2007 at 2008.

Sisilipin sa imbestigasyon kung ang mga ahensya ng gobyerno at mga stakeholders ay nakasusunod sa probisyon ng batas sa disaster risk reduction and management at kung natutugunan ang mga agwat sa disaster preparedness at response mechanism.

Facebook Comments