LANDSLIDE | PH Army, PNP at BFP, nagtulong-tulong na para sa rescue at retrieval operations sa Mt. Province

Mountain Province – Daan-daang rescuers na ang natutulong-tulong para masagip ang nasa 22 tao nalibing ng buhay matapos mabaon ng landslide ang gusali ng Department of Public Works and Highways sa Natonin, Mountain Province.

Ayon kay Natonim Mayor Mateo Chiyawan – nasa 300 rescuers mula sa Philippine Army, Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang puspusan na ang paghahanap sa mga posibleng nakaligtas at pagrekober sa mga namatay na biktima.

Dagdag pa ng alkalde – isolated pa rin ang kanilang lugar dahil maraming landslide ang naitala sa mga national roads papasok sa kanilang lugar.


Nanatili pa ring sapat ang kanilang pagkain pero pinangangambahang magkulang ito kapag hindi pa rin madaanan ang mga kalsada sa loob ng ilang araw.

Kung ikukumpara aniya sa nangyaring landslide sa Itogon, Benguet sinabi ni Chiyawan na mas malaki ang nangyaring pagguho ng lupa sa kanilang lugar.

Sa huling datos, 10 bangkay na ang narekober mula sa natabunang DPWH building.

Facebook Comments