Landslide sa bahagi ng Sierra Madre Mountains, Nakuhanan ng Larawan

Cauayan City, Isabela- Gumuho ang ibang bahagi ng Sierra Madre Mountain na sakop ng San Agustin, Isabela matapos itong makuhanan ng larawan ng isang netizen.

Sa facebook post ni Ervin Suguitan, sana raw ay mabigyan ng pansin ang kanyang kuhang larawan at magsilbing paalala ito na pangalagaan ang kalikasan.

Kaugnay nito ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office San Agustin, may kalayuan ang bundok sa kabahayan ngunit kanila pa rin na pinag-iingat ang publiko sa posibleng landslide na maaaring idulot nito.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na nakahanda sila sa anumang sitwasyon.

Tanging paalala lang sa publiko na pahalagahan ang Inang Kalikasan upang maiwasan ang anumang matinding sakuna.

Facebook Comments