Muling nakapagtala ng landslide sa Villa Verde Road ang San Nicolas Municipal Disaster Risk and Reduction Management Office dahilan ng pansamantalang pagbabawal sa mga heavy vehicles na dumaan sa naturang bahagi at pagpapatupad ng one lane passable para sa mga light vehicles.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay San Nicolas MDRRMO Situation Report Developer John Mark Serguiña, bandang alas nuebe ng umaga kahapon nang maitala ang landslide dahilan upang isara ang bahagi ng daan sa publiko.
Tiniyak ng opisyal na pinaigting ang koordinasyon sa kapulisan at iba pang ahensya upang agad maipabatid sa publiko ang anumang insidente O early warning sa naturang bahagi at agad matugunan sakaling kinakailangang magsagawa ng clearing operation.
Paalala ng tanggapan sa publiko, na mag-ingat sa pagbaybay sa naturang bahagi ng Villa Verde Road upang maiwasan ang aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









