LANDSLIDE VICTORY | Putin, muling nahalal bilang presidente ng Russia

Russia – Muling nahalal si President Vladimir Putin bilang pinakamataas na
lider ng Russia.

Landslide ang pagkakapanalo ni Putin na nakakuha ng 75.9 percent ng
kabuuang boto.

Ang pinakamahigpit na kalaban ni Putin sa pagka-pangulo na mula sa
Communist Party na si Pavel Grudinin ay nakakuha lang ng labing tatlong
porsyento ng mga boto.


Dahil dito, manunungkulan si Putin hanggang taong 2024.

Nangako naman ito na gagamitin ang kanyang bagong termino para sa
pagpapataas ng pamumuhay ng kanilang mga mamamayan at pagpapalakas ng
kanilang depensa.

Facebook Comments