Langis na nakolekta ng PCG mula sa tumagas sa karagatan ng Antique, umaabot na sa 8 drum

Umabot na sa walong drum ng “oily waste” ang nakolekta ng Philippine Coast Guard (PCG) at lokal na pamahalaan sa karagatan ng Liwagao Island sa Caluya, Antique.

Kasunod ito ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro na may dalang 800,000 litro ng industrial fuel.

Binabantayan naman ng PCG personnel ang Boracay Island kasunod ng pagkalat ng oil spill mula Naujan, Oriental Mindoro papuntang Caluya, Antique.


Ayon sa Marine Environmental Protection Force ng Coast Guard District Western Visayas, nananatiling malinis ang dagat at negatibo ang isla sa presensya ng “oily waste” na natagpuan sa ilang barangay sa Caluya.

Facebook Comments