Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang language training center sa Cavite dahil sa iligal na pagre-recruit ng mga manggagawa na pinadadala sa Germany.
Ayon sa DMW, walang lisensya ang Volant Academy for Language Excellence Inc. sa Silang, Cavite para mag-deploy ng Pinoy workers.
Nabatid na kabilang sa nire-recruit ng Volant ay Pinoy nurses/caregivers, auto mechanics, baker, butcher, restaurant specialists at security specialists kung saan pinapangakuan sila ng P60,000 na sweldo kada buwan.
Inamin naman ng Volant na nakapag-deploy na ito ng halos 200 estudyante sa Germany.
Facebook Comments