Lani Misalucha, naging emosyonal sa pagkawala ng pandinig

Naging emosyonal si Asia’s Nightingale Lani Misalucha nang ibahagi nito ang tungkol sa nararanasan niyang health condition.

Kwento ng singer, nagkaroon siya ng bacterial meningitis na dahilan para tuluyang mawala ang kanyang pandinig sa kanang tainga.

Hindi pa rin siya makapaniwala na dadanasin niya ang ganitong klaseng sakit lalo na’t importante sa kanyang propesyon ang malinaw na pandinig.


Aniya, baka indikasyon ito na hindi na para sa kanya ang pag-awit.

Bagama’t nakakaramdam pa rin ng pagkahilo dulot ng infection, tiniyak ng singer na patuloy lamang niyang haharapin ang hamon sa kanyang buhay.

Facebook Comments