LANY, binati si Hidilyn Diaz sa tagumpay nito sa Tokyo Olympics

46

Bukod sa mga Filipino celebrities, nakatanggap din ng pagbati mula sa sikat na American band na LANY si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz.

Sa kanyang Instagram stories, isang larawan ni Hidilyn sa torneo ang ibinahagi ng bokalistang si Paul Klein kung saan pinuri niya ang atleta matapos na matagumpay na nasungkit ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa Olympics.


“Congrats to @hidilyndiaz and the Philippines (who have been so unbelievable to my band) on [your] first ever gold medal,” ani Klein.

Parehong larawan at pagbati rin ang ibinahagi ng keyboardist na si Charles Leslie Priest.

Pero pinakaagaw-pansin ang pag-congratulate ng drummer na si Jake Goss gamit ang wikang Tagalog kung saan inilarawan din nito ang tagumpay ni Diaz bilang isang “history”.

Kasabay nito ay nagpaabot din sila ng pagbati sa Pilipinas at sa kanilang Filipino fans.



“History. Mahal kita sobra, Philippines!”

Facebook Comments