Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Lao People’s Democratic Republic Ambassador to the Philippines Sonexay Vannaxay na mas palalakasin pa ang samahala lalo na sa usapin sa agrikulutura at people-to-people exchange.
Ito ay matapos na iprisenta ni Vannaxay ang kanyang credentials sa pagtungo nito sa Palasyo ng Malacañang kahapon.
Sinabi ng pangulo na dahil magkapareho ang rehiyon ng Pilipinas at Laos ay marami rin ang pagkakapareho sa interes, maging sa mga kinakaharap na pagsubok.
Kaugnay nito, humingi naman ng tulong ang Ambassador sa Pilipinas para sa kanilang health sector lalo na pagsasanay o training sa mga nursing professionals.
Sinabi ng Lao Ambassador na marami silang ipagpapasalamat sa tulong ng Pilipinas isa na rito ang ginagawang pagtulong sa pagsasanay sa mga diplomats maging sa mga nursing at iba pang health areas.
Ang people-to-people ties ay isa rin sa mga sentro ng paguusap ng dalawa.