LAOAG CITY, NAMAYAGPAG SA R1AAA 2026 BILANG OVERALL CHAMPION

Sa pagtatapos ng Region 1 Athletic Association Meet 2026, hindi binitawan ng Laoag City, Ilocos Norte ang kanilang titulo bilang kampeon matapos manguna sa ginanap na paligsahan sa Candon City, Rehiyon Uno.

Pinatunayan ng mga atleta ng Laoag City ang kanilang husay at determinasyon, dahilan upang sila pa rin ang maging pangunahing kinatawan ng rehiyon sa nalalapit na Palarong Pambansa.

Nakamit ng Laoag City ang overall championship matapos mag-uwi ng kabuuang 93 gold, 70 silver, at 62 bronze medals, na nagpatibay sa kanilang dominasyon sa kompetisyon.

Binubuo ang R1AAA ng 14 na Schools Division Offices mula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa Ilocos Region, kabilang ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at mga component cities nito.

Ayon sa mga opisyal, ang tagumpay ng Laoag City ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ng mga atleta, mula sa masusing ensayo hanggang sa aktwal na laban, na nagsilbing susi sa kanilang muling pagkapanalo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments