Laoag, nakapagtala ng mataas na COVID infection rates – OCTA

Naitala ng OCTA Research ang mataas na COVID-19 infection rates sa Laoag City, maging sa Mariveles sa Bataan, Lapu-Lapu City at Cebu City.

Sa monitoring mula July 7 hanggang 17, nakapagtala ng COVID infections sa Laoag City na nasa 2.07%, kasunod ang Mariveles na nasa 1.83%, Lapu-Lapu City na nasa 1.62%, at Cebu City na nasa 1.40%.

Ang infection rates sa mga nasabing lugar ay ikinokonsiderang “high”.


Lumalabas din ang bilang ng COVID-19 cases sa Laoag City ay tumaas sa 46 mula sa 25 noong nakaraang linggo.

Sa Mariveles, ang COVID cases ay lumobo pa mula 21 hanggang 66, sa Lapu-Lapu City mula 31 hanggang 50 cases at sa Cebu City mula 77 patungong 98 cases.

Ang Iloilo City at Davao City ay mayroong mataas na ICU utilization.

Ang Davao City pa rin ang may mataas na average daily COVID-19 cases sa buong bansa na nasa 225 cases, kasunod ang Quezon City na may 116.

Ang buong bansa ay nananatili sa “moderate” risk ng COVID-19.

Facebook Comments