Laptop na naiwan sa eroplano ng isang FM DJ, nakuha na

Manila, Philippines – Na-recover na ng FM radio Disc Jockey (DJ) ang laptop na naiwan nito sa loob ng Xiamen Air.

Ito ay matapos na humingi ng tulong sa pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang DJ na si Ace Ramos, 36 anyos.

Ayon kay Ramos, nahirapan silang ma-contact ang tanggapan ng Xiamen Air sa Manila kaya nagtungo na lamang sila sa opisina ni MIAA general manager Ed Monreal.


Agad naman na pinakilos ni Monreal sina NAIA 1 terminal manager Dante Basanta at action officer Danilo Chua kaya mabilis na na-recover ang laptop ni Ramos na nagkakahalaga ng 165-thousand.

Bisperas ng Pasko nang dumating sa NAIA 1 si Ramos at nasa Bacolod na siya nang maalala na naiwan pala ng kanyang assistant na si Ashley John Yee ang laptop na nakasuksok sa upuan ng eroplano.

Facebook Comments