Lapu-Lapu City Mayor, COVID-19 free na

Inanunsyo ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan na gumaling na siya mula sa COVID-19.

Sa Facebook Post, sinabi ni Chan na ang resulta ng kanyang swab test ay nagnegatibo matapos sumailalim ng 14-day home quarantine.

Nagpapasalamat siya sa kanyang mga kababayan na nagpaabot ng suporta.


Handa na muli siya na bumalik sa kanyang trabaho at tiniyak na patuloy na lalabanan ang COVID-19 sa kanilang lungsod.

Nabatid na nagpositibo siya sa COVID-19 noong June 12.

Facebook Comments