Larangan ng palakasan at ating kultura, inaasahan ng isang kongresista na matututukan din ngayong 2024

Umaasa si Sports Advocate at Manila Third District Rep. Joel Chua na kasama din sa magiging malalaking balita ngayong 2024 ang patungkol sa larangan ng palakasan at pagsusulong ng ating kultura.

Ipinunto ni Chua na ito ay dahil kailangang maging puspusan na ang preparasyon ng Pilipinas para sa Paris Olympics.

Kumpiyansa si Chua na mangunguna sa Paris Olympics para sa Pilipinas sina Pole Vaulter EJ Obiena at World Champion Gymnast Carlos Yulo.


Kaugnay nito ay umaasa si Chua na makakapagpatupad ng kinakailangang reporma ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at Philippine Basketball Association (PBA).

Bukod dito ay binigyang diin ni Chua na marami namang mga festivals ang hindi naisagawa nitong mga nakaraang taon ang mainam ng maisakatuparan.

Pangunahing tinukoy ni Chua na ipagdiriwang ng mga Pilipino sa simula pa lang ng 2024 ay ang Traslacion ng Hesus Nazareno sa kanyang distrito sa Quiapo, Maynila na masusundan pa ng deklarasyon ng Quiapo Church bilang National Shrine sa January 29.

Facebook Comments