Larawan na bottled water at limang pirasong pandesal lang naging donasyon ni Robredo sa mga biktima ng bulkang Taal, fake news ayon sa kampo ni Leni

5386

Binabatan ni Vice President Leni Robredo si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director Mocha Uson dahil sa pagkalat ng fake news na maliit na donasyon lamang ang kanilang ibinigay ng kanilang opisina sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang taal.


 

Ayon kay Robredo, fake news ang kumakalat na larawan na bottled water at limang pirasong pandesal lamang ang ibinibigay nila sa bawat evacuees.

 

Aniya, tila insulto din sa taumbayan na nagpapasuweldo ng isang taong ginawang trabaho iyong pagpapakalat ng fake news.

Matatandaang unang lumabas ang larawan sa social media na ginatungan pa ni Uson matapos nitong i-share sa kaniyang facebook page.

Facebook Comments