Larawan ng mga lokal na opisyal sa mga ambulansya, pinatatanggal ng Comelec

Pinatatanggal ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang mukha ng mga aklade sa mga ambulansya.

 

Partikular ang local officials na tumatakbo sa halalan sa Mayo.

 

Ayon kay Guanzon, labag sa election rules ang paglalagay ng pangalan at mga larawan ng local officials sa mga ambulansya.


 

Nagbanta rin si Guanzon na pagbalik niya ng Pilipinas mula sa overseas voting business ay siya mismo ang mangunguna sa pagpapatanggal ng mga mukha ng mga LGUs sa mga ambulansya.

 

Inatasan na ni Guanzon ang election officers ng Comelec para kumuha ng larawan ng local candidates na lumalabag sa panuntunan sa pangangampanya.

 

Sa harap ito ng nakatakdang pagsisimula ng campaign period sa mga lokal na kandidato sa Biyernes, March 29.

Facebook Comments