Larawan ng modelong pinagmukhang painting – viral online

47

Manila, Philippines – Karaniwan na sa atin ang makakita ng mga real-life painting o mga painting na nagmumukhang may buhay.

Pero isang 22-year old na French make-up artist ang nagpahanga sa buong mundo matapos nitong ibida ang kanyang kakaibang obra kung saan pinagmuka niyang painting ang kanyang modelo.

Ayon kay Kenza, inspirasyon niya rito ang sikat na pintor na si Alex Meade na gumagawa rin ng kahalintulad na optical illusion painting.

Dito, pinipinturahan niya ang kanyang modelo gamit ang malalaking paintbrush hanggang sa magmukha itong two dimentional kapag kinuhanan na ng larawan.

Agad namang nag-viral ang kanyang obra matapos na i-post niya ang mga sample nito sa kanyang twitter account.

Facebook Comments