Larawan ng suspek sa pananambang sa abogado ng DPWH, inilabas ng SPD; PNP, nananawagan ng tulong sa publiko para matukoy ang suspek

Isinapubliko na ng Southern Police District (SPD) ang larawan ng isa sa dalawang suspek sa pananambang sa abogado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tinambangan sa Pasay City noong June 5.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, ipinakita ni SPD Director Police BGen. Kirby Kraft ang nakalap nilang CCTV footage sa pamamaril kay Atty. Maria Rocelle Meliza na Chief ng Right of Ways Acquisition and Legal Division ng DPWH-National Capital Region at sa driver nito.

Nabatid na hanggang sa ngayon ay nasa intensive care unit (ICU) pa rin si Atty. Meliza habang stable na ang kanyang driver.


Ayon kay Kraft, nagtamo ng tama ng bala ng baril si Atty sa ulo at balikat habang sa tagiliran naman ang tama ng kanyang tsuper.

Samantala, bagama’t may mukha na, hindi pa tukoy ng SPD ang pagkakilanlan ng suspek.

Dahil dito, humihingi sila ng tulong sa publiko na makipag-ugnayan sa kung may nakakakilala sa suspek.

Nag-alok na rin sila ng P200,000 na pabuya para sa sinumang makatutulong sa imbestigasyon.

Para sa mga may impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa hotline ng SPD na 0998-598-7920 at Pasay Police na 0998-598-7922.

Facebook Comments