Larawan ng tinaguriang ‘Ageless Gentleman’ ng China – viral sa social media

China – Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang Singaporean photographer na hindi mo aakalain na 50 years old na!

Gwapong-gwapo at hot na hot kasi sa mala-30 years old niyang pangangatawan si Chuando Tan.

Katunayan, mas bata pa nga raw siyang tingnan ngayong 50-anyos na siya kumpara noong 30-anyos pa lang siya.


Taong 1996 nang mahilig si tan sa fashion at photography kung saan din siya nagtayo ng isang Photography firm.

At kung dati siya ang kumuha ng litrato ng mga sikat na model at celebrities, ngayon siya na ang kinukuhanan.

Ang sikreto raw niya para manatiling sexy and fit, hindi pagpupuyat, pagkain ng manok at hainanese chicken-rice style at syempre pag-e-exercise sa gym, apat na beses kada linggo.

Facebook Comments