Kabilang sa mga tampok na artwork ang canvas ng Filipino tattoo artist na si Maria Onggay o mas kilalang Apo Whang-Od sa Rio Loco Festival na ginanap kamakailan lang sa Toulouse, France.
Napili ng French artist na si Stephanie Ledoux na iguhit ang mambabatok mula sa Kalinga matapos niya itong makita nito lamang Pebrero.
Sa Facebook post ng French artist bago ang araw ng festival, nagbahagi siya ng sneak peek ng kaniyang painting at may caption na isinalin sa Ingles: “In the last few days, it has been the countdown to make my great canvas of Apo Whang-od, the mythical tattoo artist of Kalinga, Philippines, who I met in February. It is finished in time for the Festival Rio Loco (OFFICIAL)!”
Muli niya itong ibinahagi sa Facebook nang naka-display na para sa nasabing festival.
Ani Ledoux, “My Filipino tattooist. Barely finished and already posted at the Dillon race for the Rio Loco Festival (OFFICIAL)! If only she could see this.”
Itinanghal ng National Commission for Culture of the Arts (NCCA) ang huling mambabatok bilang national artist nakaraang taon.
Pinangaralan din si Whang-Od ng 2018 Dangal ng Haraya Award for Intangible Culture Heritage.