Tuesday, February 3, 2026

Larawan ni FL Liza Marcos at Chinese Ambassador Jing Quan, walang kinalaman sa tindig ng pamahalaan laban sa China

Nilinaw ng Malacañang na walang kaugnayan sa polisiya ng pamahalaan ang pagdalo ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa isang public consular event kung saan siya ay nakuhanan ng litrato kasama ang Chinese Ambassador Jing Quan.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng palitan ng maaanghang na pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng Chinese Embassy at mga senador kaugnay ng mga isyung ibinabato laban sa embahada.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ang pagdalo ng First Lady sa mga public consular activities ay hindi repleksyon ng direksiyon ng administrasyon at hindi dapat iugnay sa anumang usaping diplomatiko.

Batid aniya ng mga mambabatas na ang Pangulo lamang ang may kapangyarihang magdeklara ng persona non grata laban sa mga dayuhang diplomat.

Nilinaw rin ng Palasyo na hindi ito makikialam sa anumang hakbang ng Kongreso, dahil may sariling mandato at proseso ang lehislatura.

Gayunman, iginiit ng Malacañang na nanatiling malinaw ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Department of Foreign Affairs na diplomasya at dayalogo ang pangunahing paraan ng pagharap sa mga sensitibong usapin sa China.

Facebook Comments