Larawan ni Pangulong Duterte kasama ng isang negosyanteng Chinese, minaliit ng Malakanyang

Minaliit ng Malacañang ang mga larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang isang Chinese businessman na umano’y chairman ng isa sa mga kompaniyang nagsu-supply ng medical goods sa Department of Budget and Management Procurement Service (PS-DBM).

Ito ay matapos ipakita ni Senator Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng overpriced pandemic supply ang mga larawan ni Duterte na nakikipagpulong kay Wang Min, na Chairman umano ng Xuzhou Construction Machinery Group (XCMG).

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bilang public official, regular na nakakatanggap ang pangulo ng mga requests para sa photo opportunities.


Maliban dito, tinawag din ni Roquee na kuwentong kutsero ang sinabi ni Senador Richard Gordon na pinoprotektahan ni Pangulong Duterte ang interes ng mga Chinese at Indian businessmen kaugnay sa iniimbestigahang Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Matatandaang makailang beses nang pinagsabihan ni Pangulong Duterte si Gordon na isauli ang P86 million na kinuha nito sa pondo ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Facebook Comments