Manila, Philippines – Nagbanta si PBA Partylist Representative Jericho Nograles na kakasuhan ng large-scale estafa at syndicated estafa ang Grab dahil sa paniningil nito ng dalawang piso kada minuto sa mga pasahero.
Ayon kay Nograles, itutuloy ang pagsasampa ng kaso sa Transport Network Company (TNC) kapag hindi ito magkakaloob ng refund.
Babala pa ng kongresista sa TNC na hindi dapat ipasa sa mga pasahero ang anumang ipapataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Panawagan naman ni Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte sa LTFRB na tuldukan maging ang dumaraming reklamo tungkol sa biglaang pagkakansela sa booking.
Pinabibilisan na rin ng mambabatas ang pag-apruba sa mga aplikasyon ng iba pang TNC’s gaya ng Lag go, Owto, at Pira para ma-obliga ang Grab na ayusin ang serbisyo nito.