Nananawagan si House Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na suspendihin muna kung hindi maipagbawal ang operasyon ng lahat ng large-scale mining sa bansa.
Giit ni Brosas kailangan itong gawin upang maiwasang maulit sa harap ng inaasahang “monsoon season”.
Mungkahi ito ni Brosas, kasunod ng malagim na landslide sa Davao de Oro na ikinasawi ng mahigit 50 katao at sinasabing bunga ng isinasagawang large-scale mining operations sa lugar.
Binanggit ni Brosas na sa ilalim ng administrasyon ni dating Pang. Rodrigo Duterte ay kanyang nilagdaan ang Executive Order 130 na nag-alis sa siyam na taong ban sa bagong mining agreements kaya nagresulta ito sa pagdami ng mining activities sa bansa.
Ayon kay Brosas, ang nangyari sa Davao de Oro ay isang halimbawa kung gaaano kalala ang epekto sa mga komunidad ng large-scale and open pit mining operations.
Ipinaliwanag ni Brosas na kaya mariing tinututulan ito ng environmentalists ay dahil mga malalaking negosyante lang ang kumikita habang ang mamamayan ang pumapasan ng mga epekto nito sa komunidad at kalikasan.