Portugal – Hindi pa rin makapaniwala ang isang Brazilian surfer na makakasungkit siya ng titulo sa Guinness World Record.
Nakuha ni Rodrigo Koxa ang Guinness World Record sa Largest Wave Surfed kung saan nagawa nitong mag-surfing sa 80-foot-tall na wave sa naganap na competition sa Nazare, Portugal.
Tinalo ni Rodrigo ang dating record ni US surfer Pete Carinha noong 2014 na nakapag-surf ng 70-foot-tall na wave sa Maui, Hawaii.
Kwento ni Rodrigo, nagkaroon siya ng trauma at hindi niya akalain na makakapag-surf pa siya sa Nazare, Portugal dahil taong 2014 nang muntikan na siyang mamatay dito.
Pero sa tulong at suporta ng kaniyang asawa, unti-unti niyang nilabanan ang trauma at dahil diyan, natupad na rin ang kaniyang pangarap na makapag-surf sa malalaking alon at makakuha pa ng Guinness World Record.