Larong Basketball ng CIGA versus AMA sa Ilagan, Naging Masaya!

City of Ilagan, Isabela – Pinagkaguluhan kahapon sa saya ang naging labanan sa larong basketball ng grupong AMA versus CIGA na bahagi ng aktibidad sa Liga ng mga Barangay sa Ilagan City .

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Peterson Patriaca, spokesperson ng CIGA na aniya ang City of Ilagan Gay Association o CIGA ay nanalo sa unang labanan ng basketball kontra sa Asosasyon ng mga Ama sa puntos na 33-24.

Pahayag pa ni Patriaca na naging masaya ang labanan dahil hindi akalain ng lahat na mas mananalo pa ang CIGA laban sa AMA.


Dahil dito ipinakita umano ng CIGA na wala silang inaatrasan sa kahit na anumang antas ng paligsahan.
Samantala pag-uusapan pa umano kung kailan naman ang paghaharap ng City of Ilagan Lesbian Association o CILA laban sa Ilagan Association of Women o ILAW.

Ang aktibidad na ito ay sa pangunguna ni Jaylor Malunay, presidente ng Liga ng mga barangay sa Ilagan City.

Facebook Comments