Las Piñas City Government, aminadong mababa ang mga nabakunahan na mga batang may edad 5 hanggang 11 taong gulang laban sa COVID-19

Inihayag ng pamunuan ng Las Piñas City Government na nasa 28 % pa rin ang bilang ng mga batang nabakunahan kontra COVID-19, o katumbas lamang sa mahigit 22,000 ang ganap na bakunado mula sa target na halos 80,000.

Ayon sa Las Piñas Local Government Unit (LGU) umakyat lamang sa mahigit 26,000 mga kabataan na may edad- 5 hanggang 11 taong gulang ang naturakan na ng unang dose ng bakuna o katumbas lamang yan ng 33%.

Pero, ikinatuwa naman ng LGU dahil mahigit sa 55,000 o katumbas ng 91% na mga kabataan na may edad 12-17 anyos ang nabakunahan na ng unang dose ng bakuna sa Las Piñas City.


Dahil dito, nanawagan ang LGU sa mga magulang na kumbinsihin ang kanilang mga anak na magpabakuna kontra COVID-19 para maiwasan na mahawaan ng nakamamatay na sakit.

Facebook Comments