Las Piñas City government, naglabas na ng mga schedule sa vaccination sites para sa first at second dose ngayong araw

58

Inihayag ng Las Piñas City government na inilabas na nila ang vaccination sites para sa first at second dose ngayong araw.

Ayon sa Las Piñas Local Government Unit (LGU), sa mga residente na naka-schedule para sa first dose ay maaari silang pumunta sa Las Piñas Elementary School, San Antonio Covered Court, Gatchalian Covered Court at SM South Mall mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon upang mabakunahan.


Dagdag pa ng LGU, para sa mga residente na naka-schedule ng 2nd dose ng AstraZeneca vaccines noong July 21, pero hindi nakarating dahil sa iba’t ibang kadahilanan ay maaari na silang pumunta sa Village Square at Tent sa C5 Road mamayang ala-1:00 ng hapon.

Para naman sa mga naturukan ng Pfizer noong Agosto 31, pwede na silang magtungo para sa 2nd dose sa SM Center, Robinsons Mall , Village Square, SM South Mall mula alas-8:00 ng umaga hanggang mamayang alas-10:00 ng umaga at dalhin ang mga kinakailangan requirements.

Paliwanag ng LGU, mayroon din na tuturukan ng bakunang Sinopharm para sa ikalawang dose sa University of Perpetual Help System System Dalta, habang ang tuturukan ng Moderna ay sa SM Center at Robinsons Mall at ang AstraZeneca naman para sa second dose ay tuturukan sa Bambusetum Covered Court, Verdant TS Cruz, Pamplona Elementary School, Almanza, Golden Acres at UPHSD.

Pinaalalahanan ng LGU ang mga residente na sundin lang ang ibinigay na schedule ng vaccination center laban sa COVID-19 at huwag kalimutang parating magsuot ng face mask at face shields, maghugas ng kamay at sumunod sa health protocols at magdala ng sariling ballpen upang masigurong ligtas na mahawaan ng COVID-19.



Facebook Comments