Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng Las Pinas City Government ng relief packs at ‘nutribuns’ sa mga nangangailangang residente nito mula sa dalawampung (20) barangay.
Ito ay kahit nasa General Community Quarantine (GCQ) na ang buong Metro Manila.
Ayon sa lokal na pamahalaan, kabuuang 664,661 na food packs na ang naipamigay nito simula noong ipinatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Kalakhang Maynila.
Ang naipamahagi naman na ‘nutribuns’ ng city government sa mamamayan ng Las Piñas City ay nasa mahigit 1.1-milyon na.
Facebook Comments