Las Piñas City government, planong magtayo ng sariling COVID-19 laboratory

Balak ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas na magtayo ng sariling COVID-19 laboratory testing center para mapabilis ang resulta ng swab testing na isinasagawa sa lungsod.

Layunin ng hakbang ng Las Piñas City government na agad madetermina kung positibo ang mga pinaghihinalaang may taglay ng virus para agad itong maibukod at maipagamot.

Sa pinakahuling tala, umakyat na sa 470 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Las Piñas kung saan 112 dito ay aktibo pa.


Umaabot naman sa 324 na ang gumaling at 34 ang nasawi habang nasa 47 ang probable case at 49 ang suspected cases.

Facebook Comments