Ipinagmalaki ng pamunuan ng Las Piñas City Government ang kanilang dalawang awards na tinanggap mula sa Metro Manila Center for Health Development ng Department of Health (DOH) dahil sa umano’y mataas na kalidad ng mga serbisyong pangkalusugan ng lungsod.
Nakitaan ng DOH Metro Manila Center for Health Development ang Las Piñas City ang tamang paggasta at paggamit ng pondo mula sa Kagawaran para sa mga programang pangkalusugan ng mga residente ng lungsod.
Binigyan din ang Las Piñas City Government ng Plaque of Appreciation sa pagiging suportado nito sa iba’t ibang Health Care Programs ng DOH na naaayon naman sa Universal Health Care.
Bukod sa Plaque of Appreciation, tumanggap din ang LGU ng P150,000 na tseke bilang karagdagang pondo para sa serbisyong pangkalusugan at iba pang proyekto para sa mga residente ng Las Piñas.
Ayon kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, magsilbing inspirasyon umano sa kanila ang tinanggap nilang dalawang parangal upang lalo pang nilang pag-ibayuhin ang health services sa lungsod.
Paliwanag ni Aguilar na lalo pa nilang pagsusumikapan ang pagbibigay ng health services sa kanilang mga kababayan upang lalo pang lumalakas ang kalusugan ng kanilang nasasakupan.