Naghanda na ang lokal na pamahalaan ng Las Piñas ng listahan sakaling may mag-back out na residente na una nang nagpalista para magpabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Mayor Imelda Aguilar, mayroon na silang ginawang Quick Substitution List (QSL) kung may ilang residente ang nagbago ng isip na ayaw ng magpabakuna.
Sinabi ni Aguilar na ang nasabing listahan ay ginawa upang masigurong hindi masasayang ang bibilhin nilang bakuna at maibigay ito sa karapat-dapat at nag-boluntaryong residente.
Sa kasalukuyan, nasa 913 na ang bilang ng mga residente na nagpa-rehistro via online para mabigyan ng bakuna kontra COVID-19.
Dagdag pa ng alkalde, may mga tauhan ang bawat barangay na nag-iikot para magbigay ng mga forms sa mga residente na hindi makakapag-parehistro via online.
Matatandaan na una nang ipinag-utos ng alkalde sa opsiyal ng barangay ang pagsasagawa ng census para malaman ang bilang ng mga residente na nais magpabakuna kontra COVID-19.