Inanunsyo ng Las Piñas City government ang pangangailangan ng mga dagdag na vaccinator para sa pagbabakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa Las Piñas City Health Office, maaari ding mag-apply ang mga registered midwives.
Ang mga interesado ay pwedeng magpadala ng resume sa hrmd_laspinascity@yahoo.com o sa Human Resources Office sa Las Piñas City Hall.
Sa pinakahuling tala ay umaabot na sa halos 149,000 ang nabakunahan sa Las Piñas City.
Sa naturang bilang ay mahigit 35,000 ang fully vaccinated na o nabigyan ng 2nd dose habang mahigit 114,000 ang nabigyan pa lang 1st dose ng COVID-19 vaccine.
Facebook Comments